Hinimok ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra measles at tigdas.
Ito ay kasunod na rin ng ipatutupad na Nationwide Supplemental Immunization Program Against Measles and Polio ng Department of Health (DOH) sa darating na October 26, 2020.
Ayon kay Roque, walang dapat ikatakot ang mga magulang dahil ang bakuna kontra tigdas at polio ay napatunayan nang ligtas at epektibo.
Nabatid na marami kasing mga magulang ang nag-aalinlangang pabakunahan ang kanilang mga anak dahil sa kontrobersiyang nilikha ng Dengvaxia at dahil na rin sa COVID-19 pandemic.
Nabatid na bibigyan ng bakuna kontra tigdas ang mga batang may edad 9 hanggang 59 months habang 0 to 59 months naman ay bibigyan ng oral polio vaccine.
Una nang sinabi ng DOH na dalawang istratehiya ang kanilang gagamitin ngayong may banta ng COVID-19.
Una dito ang fixed post, ibig sabihin sa lahat ng health facilities, health centers, barangay health stations, mga ospital, lying-in clinics, ay itatalaga bilang fixed sites, habang ang modified site naman ay mga mobile teams ang siyang magse-set up ng temporary posts sa mga strategic locations para doon isagawa ang immunization program.