Palasyo, hinikayat ang publiko na isumbong ang mga katiwalian sa gobyerno sa pamamagitan ng 8888 hotline

124

Nagbabala ang Malacañang sa mga kawani at opisyal ng pamahalaan na sangkot sa korapsyon.

Ito ay matapos hinikayat ng Palasyo ang publiko na isumbong ang anumang katiwalian sa pamamagitan ng pag-text sa 8888 hotline.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isang text lang na ipapadala sa complaint hotline ay tiyak na mananagot ang mga ito.

Maaaring i-report ng publiko ang kanilang mga reklamo at hinaing hinggil sa mga katiwaliang ginagawa ng ilang government officials at employees, maging ang mabagal na paghahatid ng sebisyo ng gobyerno, at paghingi ng government assistance.

Aniya, libre lamang ang pagpapadala ng text sa 8888 hotline sa anumang  telecom networks.

Ang Office of the President ay nakipag-partner sa local telecommunication companies sa pagbuo ng text service platform na 8888 complaint hotline.




Ang 8888 citizens’ complaint center ay isa sa mga tanggapan ng OP Strategic Action and Response Office.

Facebook Comments