Palasyo, hinimok na suriin ang budget bago pirmahan ni PRRD

Nanawagan ang Makabayan bloc sa Malakanyang na suriing mabuti ang 2020 budget bago pirmahan ng Pangulo.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, kung totoo ang alegasyon ni Senator Panfilo Lacson na may P83.219 billion na isiningit sa huling minuto bago aprubahan sa Bicam ang pambansang pondo ay dapat nga na aralin muna ito ni Pangulong Duterte.

Kaduda-duda din aniya ang Bicam report dahil karamihan ng mga proyekto tulad ng flood control ay walang detalye.


Naniniwala si Zarate na kung totoong may last minute insertion sa budget ay hindi malabong ma-veto ito.

Sinabi naman ni ACT Teachers Rep. France Castro na wala silang oras para basahin at i-review ang Bicam committee report.

Aniya, sampung minuto bago ratipikahan ito sa plenaryo ay saka lamang sila nabigyan ng kopya ng Bicam report.

Dahil dito ay maglalabas ang Makabayan ng specific na pag-aaral kaugnay sa national budget.

Facebook Comments