Palasyo, iginiit na hindi kailanman naging miyembro ang Pilipinas sa ICC

Iginiit ng Malacañang na kailanman ay hindi naging miyembro ang Pilipinas ng International Criminal Court (icc).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – ang ICC ay “non-existent” at ang mga hakbang nito ay isang “futile exercise”.

Nagbabala rin ang Palasyo sa ICC sa panghihimasok nito sa soberenya ng bansa kung ipupursige nito ang imbestigasyon sa war on drugs ng administrasyong Duterte.


Dagdag pa ni Panelo – walang basehan para sa ICc na ituloy ang anumang sinimulan nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kahit siguro miyembro ang bansa sa ICC, idiniin ni Panelo na sa ilalim ng principle of complementarity, ang ICC ay maroon lamang hurisdiksyon kung ang mga korte sa bansa ay hindi na magampanan ang tungkulin nito.

Ang Pilipinas ay may “robust judicial system”.

Facebook Comments