Palasyo, iginiit na mananatili ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagsusuot ng face mask

Nanindigan ang Malacañang na mananatiling epektibo ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang paggamit ng face mask.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, suportado ng Palasyo ang legal na opinion ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mangingibabaw pa rin ang resolusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa mandatory na paggamit ng face mask, kaysa sa executive order na inisyu ng mga lokal na pamahalaan kabilang na ang inisyung direktiba ng Cebu provincial government.

Sinabi ni Andanar na inutos narin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) na mahigpit na ipatupad ang existing IATF resolution at gawin ang mga nararapat na aksyon laban sa mga lalabag dito.


Matatandaang sinabi ng pangulo na hanggang bumaba siya sa pwesto ay mananatili ang pagsuot ng face mask.

Facebook Comments