5 nominado sa P3PWD party-list group, sabay-sabay na nagbitiw sa pwesto

201

Sabay-sabay na nagbitiw sa pwesto ang limang nominado ng Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities o P3PWD party-list group.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesman Atty. John Rex Laudiangco, ala-1:00 ngayong hapon nang maghain ng public documents sa COMELEC Law Department ang P3PWD.

Nakasaad dito ang pagbibitiw sa pwesto nina Grace Yeneza, Ira Paulo Pozon, Marianne Heidi Cruz Fullon, Peter Jonas David at Lily Grace Tiangco.


Papalit sa kanila bilang nominee sina dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, Rosalie Garcia, Cherrie Belmonte-Lim, Donnabel Tenorio at Rodolfo Villar Jr.

Nilagdaan ang liham ng kanilang secretary-general na si Donnabel Tenorio.

Ayon kay Laudiangco, sasailalim pa sa deliberasyon ng COMELEC En Banc ang hirit ng P3PWD party-list group.



Ang naturang party-list ay nakakuha lamang ng isang pwesto sa Kongreso.

Facebook Comments