Palasyo, iginiit na na-misinterpret ang Pangulo sa pahayag nito tungkol sa pangingisda ng mga Tsino sa EEZ ng Pilipinas

Manila, Philippines – Nilinaw ng Malacañan ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pangingisda ng Chinese nationals sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – nais lamang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi hahayaan ng China na payagan ang kanilang kababayan na mangisda sa ating EEZ dahil itinuturing nila ang kaibigan ang Pilipinas.

Aniya, nagkaroon lamang ng misinterpretation sa mga naging pahayag ng Pangulo.


Sa ngayon, mas mainam na hintayin ang resulta ng imbestigasyon hinggil sa insidente sa Recto Bank.

Tiniyak din ng Palasyo na hindi tinatalikuran ng Pangulo ang sovereign rights ng Pilipinas sa EEZ nito sa West Philippine Sea.

Facebook Comments