Nagpahayag ng pagkabahala ang Malacañang sa naging resulta ng pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather System (SWS).
Ito ay matapos na lumabas na 36% ng mga adult Filipinos ang naniniwalang mas magiging malala pa ang kanilang kalagayan sa susunod na labindalawang buwan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, batid nila ang naging epekto ng COVID-19 pandemic at ng mga ipinatupad na lockdown sa ekonomiya ng bansa kung kaya’t ganito ang naging resulta ng survey.
Pagtitiyak naman ni Roque, mayroon nang recovery plan ang gobyerno na nakahanda para makabangon ang bansa mula sa krisis na dulot ng COVID-19.
Facebook Comments