Ikinalungkot ng Malacañang na umabot na sa 85,000 ang COVID-19 cases sa bansa.
Batay sa prediction ng researchers ng University of the Philippines (UP), lalagpas sa 85,000 ang COVID-19 cases sa bansa pagsapit ng katapusan ng buwan at nagkatotoo ito batay sa huling datos ng Department of Health (DOH) kahapon, July 29.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, natalo ang pamahalaan sa forecast ng mga eksperto.
Wala aniya siyang nakikitang dahilan para magdiwang.
Iginiit ni Roque na ang palaging layunin ay mataob ang forecast dahil mayroon namang kakayahan ang bansa.
Matatandaang inulan ng batikos si Roque matapos idineklarang tagumpay ang hindi pagtuntong sa 40,000 COVID-19 cases noong July 30 na naunang na-predict ng mga UP researchers.
Facebook Comments