Dumistansya ang Malacañang sa mga tanong hinggil sa pagsusulong ng paglilinis sa hanay ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng mga insidente kung saan naaabuso ang kanilang kapangyarihan.
Sa mga nagdaang linggo, maraming mga ulat hinggil sa police brutality at pag-aabuso sa kanilang kapangyarihan, hudyat para ipanawagan ng human rights advocates at mga progresibong grupo ang internal cleansing sa PNP.
Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakasaad sa International Human Rights Law, ang mga pulis at sundalo ay pwedeng gamitin ang kanilang armas kung ang kanilang buhay na ang nakataya.
Bukod dito, maaaring gamitin ng mga alagad ng batas ang puwersa kung ito ay kinakailangan.
Facebook Comments