Palasyo, ilalabas ang resulta ng medical findings ni PRRD

Manila, Philippines – Tiniyak ng MalacaƱang na wala itong itatago sa tunay na kondisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng iniinda nitong sakit sa kanyang balakang.

Kasunod ito ng pagkaka-aksidente ng chief executive sa motorsiklo noong isang linggo.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at spokesman Salvador Panelo, ipapaalam ng Pangulo sa publiko ang resulta o findings ng kanyang gagawing pagkonsulta sa doktor ngayong araw.


Napaaga ang uwi ng Pangulo mula sa Japan dahil na rin sa sakit na nararamdaman nito sa gulugod malapit sa balakang na kanyang ipapatingin sa neurologist.

Alas diyes trentay tres kagabi nang dumating ang Presidente sa Villamor Airbase at dumiretso sa burol ni dating Senador Nene Pimentel sa Heritage Park sa Taguig City.

Facebook Comments