Pinuri ng Malacañang ang lumalakas na stock market performance ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mayroong mataas na kumpiyansa ang mga investor sa economic recovery ng bansa.
Maganda aniyang balita ito kasabay ng muling pagpapasigla ng ekonomiya mula sa COVID-19 pandemic.
Binanggit ni Roque na ang Philippine Stock Exchange ay isa sa best performers sa mundo.
“The Philippine Stock Exchange, according to a report of Bloomberg, climbed for a fifth straight day last Friday, Oct. 23, making it the biggest among more than 90 global equity indexes. Pumalo ang index sa 6,484.06 kaya naman sinasabi na kabilang Pilipinas sa world’s best performers,” sabi ni Roque.
Nabatid na lumakas ang local market mula nitong nakaraang linggo kasabay ng pagluluwag ng quarantine restrictions.
Ang index ay umakyat ng 6,400 level nitong Biyernes, na itinuturing na best finish mula nitong Hunyo.