Palasyo, ipinasa na sa mga economic managers ang pagbibigay ng tax relief sa mga nagma-manufacture ng medical oxygen

Ipinauubaya na ng Malacañang sa economic managers ng pamahalaan ang detalye o pagbalangkas ng percentage ng tax relief na iaalok sa mga manufacturers ng medical oxygen.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hihilingin aniya sa Kongreso na mabigyan ng tax relief ang producers o manufacturers ng medical oxygen bilang panlaban sa Delta variant ng COVID-19.

Ayon sa kalihim, ang tax relief na ito ay pang-engganyo ng mga kompanya upang magkapag-supply pa ang mga ito ng mas maraming medical oxygen na kakailanganin ng bansa sakaling sumipa ang mga kaso ng Delta variant.


Sa kasalukuyan aniya, wala pang eksaktong percentage na nabanggit ang pangulo para sa tax relief.

Kaugnay nito, tiwala naman ang Palasyo na dahil sa kooperasyon ng Ehekutibo at Kongreso, mapapabilis naman ang pagpapasa ng batas para dito.

Facebook Comments