Palasyo, ipinauubaya na lamang sa mga LGU ang pagpapasya kung papayagan ang walk-in sa mga bakunahan

Ang mga lokal na pamahalaan na ang bahalang magdesisyon kung papayagan na nila ang walk-in sa mga bakunahan.

Ayon kay Acting presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, binibigyan nila ng otorisasyon ang mga alkalde na gumawa ng adjustments sa pagbabakuna, kung alin ang sa tingin ng mga ito ang pwedeng maipatupad sa kanilang mga nasasakupan.

Naniniwala kasi si Nograles na isa rin ito sa mga paraan upang ma-engganyo ang mga tao na magpabakuna.


Marami naman aniyang suplay ng bakuna sa ngayon, kaya pwedeng ituloy ng Local Government Units ang pagbabakuna hindi lamang sa mga nakarehistro kundi sa mga walk-in, basta’t nasusunod lamang ang health protocols.

Facebook Comments