Palasyo, ipinauubaya na sa DILG ang pag-iimbestiga sa pagsingit ni Tacloban Mayor Romualdez sa pagpapabakuna

Ipinauubaya na ng Malacañang sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang paggagawad ng karampatang aksyon kay Tacloban Mayor Alfred Romualdez makaraan itong magpabakuna ng anti-COVID-19 vaccine kahit pa wala naman sIya sa listahan ng mga prayoridad.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang DILG na ang bahalang mag-imbestiga sa insidente dahil ito ang may hurisdiksyon sa mga Local Government Unit (LGU).

Sinabi ni Roque na hindi pa puwedeng magbakuna ngayon ang hindi naman mga medical frontliners dahil limitado lamang ang supply ng mga bakuna sa bansa.


Posible rin aniyang maapektuhan ang future deliveries na galing sa COVAX Facility kung marami ang sisingit na hindi naman mga medical frontliner.

Una nang sinabi ng National Task Force na target nilang tapusin na mabakunahan ang nasa kabuuang 1.7M medical frontliners hanggang sa susunod na buwan.

Facebook Comments