Jrue Holiday ng Milwaukee, naitala ang season-high points kontra Pacers

Inilampaso ng Milwaukee Bucks ang Indiana Pacers sa score na 140-113.

Ito ay sa kabila ng kawalan ni two-time reigning National Basketball Association (NBA) Most Valuable Player (MVP) Giannis Antetokounmpo dahil sa knee injury.

Dahil dito, nanguna sa Milwaukee si Jrue Holiday na naitala ang kaniyang season-high 28 points at 14 assists.


Nagdagdag naman ng 25 points, 8 rebounds at 6 assists si Khris Middleton at Pat Connaughton na may 20 points at 9 rebounds.

Nasayang naman ang 22 points at 9 rebounds ni Domantas Sabonis para sa Indiana.

Facebook Comments