Palasyo, ipinauubaya na sa Kongreso ang muling pagbuhay sa franchise bill ng ABS-CBN

Nasa kamay ng Kongreso kung ipupursige ang panukalang magbibigay ng legislative franchise sa ABS-CBN Corporation.

Ito ang pahayag ng Malacañang sa harap ng mga ulat na ang pagpasa ng franchise bill ng network at nakadepende sa suporta ng Palasyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bahagi ng constitutional prerogative ng Kongreso ang usaping ito.


Matatandaang naghain si Senate President Vicente Sotto III ng panukalang batas na layong buhayin ang prangkisa ng network para sa susunod na 25 taon.

May mga counterpart bills na rin ang isinusulong sa Kamara.

Facebook Comments