Naniniwala ang Malakanyang na bagama’t may bahagyang pagbaba sa performance at trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang survey, katanggap-tanggap pa rin ito para sa isang pangulo ng bansa na nasa huling bahagi na ng kaniyang panunungkulan.
Base sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia Survey, lumalabas na nasa 64% ang approval rating ng pangulo habang 63% naman ang trust ratings nito.
Sinabi ni dating Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, maituturing pa rin itong mataas lalo na sa isang pangulong papatapos na ng termino.
Patunay lamang aniya ito na hindi isang lame duck o hindi na epektibong presidente si Pangulong Duterte kahit pa ilang buwan na lamang ang natitira sa kaniyang panunungkulan.
Facebook Comments