Kinumpirma ng Palasyo ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay PLtGen. Vicente Dupa Danao Jr., bilang Officer in Charge ng Philippine National Police epektibo simula May 8, 2022.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at PCOO Sec. Martin Andanar, umaasa ang Palasyo na maipagpapatuloy ni Gen. Danao ang repormang nasimulan na sa Pambansang Pulisya na layuning maprotektahan at maserbisyuhan ang publiko.
Si Danao ay kilalang kabilang sa Davao boys na isa sa mga trusted cops ng pangulo.
Bago maging OIC PNP Chief si Danao ay nagsilbi ito bilang pinuno ng PNP Directorial Staff.
Si Danao na bahagi ng Philippine Military Academy (PMA) Sambisig Class of 1991 ay nagsilbi rin bilang pinuno ng Davao City Police Office, Directorate for Intelligence, Criminal Investigation and Detection Group, Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs National Anti-Illegal Drugs Task Force, Manila Police District, Police Regional Office 4-A at NCRPO Chief.
Papalitan ni Gen. Danao si PNP Chief Dionardo Carlos na nakatakdang magretiro sa Linggo, May 8.