Canvassing ng Kongreso, bukas para sa lahat ng mga mambabatas at sa media

29

Bukas sa media at sa mga mambabatas ang isasagawang canvassing para sa mga kandidato sa presidente at bise presidente.

Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, sa Mayo 23 o sa pagbubukas ng sesyon isasagawa ang canvassing o pagbibilang ng boto sa mga pinakamataas na posisyon sa bansa.

Dahil ito ay joint session ng Kongreso, bukas ang canvassing para sa mga kongresista at senador na nais pumunta sa mga araw na isasagawa ito gayundin para sa mga myembro ng media na magco-cover.


Ang Kamara at Senado kasi ang tatayo bilang National Board of Canvassers o NBOC-Congress para sa national canvassing.

Magkagayunman, ibabatay pa rin sa guidelines ng Inter-Agency Task Force o IATF ang safety protocols sa canvassing upang matiyak na ligtas at hindi mauuwi sa pagkalat ng sakit.

Facebook Comments