Palasyo, Kinumpirmang Dadalo Si Pangulong Duterte Sa Apec Summit Sa Peru Ngayong Linggo

3

MANILA – Kinumpirma ni Communications Secretary Martin Andanar ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Peru para sa APEC Summit.Sa kabila nito, sinabi ni Andanar na maaaring magbago ang schedule ng Pangulo sakaling magkaroon ng mga aktibidad na mas mahalaga sa APEC Summit.Nakatakdang makipagpulong sa November 19 at 20 ang Pangulo sa ibat-ibang World leaders.Dadalo rin ang Pangulo sa mga aktibidad na inihanda ng Peru at APEC.Una nang sinabi ni P-Duterte noong nakaraang linggo na hindi pa siya sigurado kung makakadalo sa APEC dahil ayaw niya ng malayong biyahe.

Facebook Comments