Personal na magtutungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa sa Lunes, July 27, 2020 para sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ito ang napiling pamamaraan ng Pangulo kung paano niya ihahatid ang kaniyang ulat sa bayan.
Nasa limampung (50) mambabatas aniya ang papayagang dumalo sa SONA ngunit hindi pa kasali sa bilang ang mga gabinete.
Magiging pangunahing tampok sa SONA ng Pangulo ang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic at ilalatag din ng Presidente ang mga hakbang at plano sa pagbangon muli ng ekonomiya.
Sa ngayon, tuluy-tuloy aniya ang preparasyon sa nalalapit na SONA ng Pangulo.
Samantala, sa mga nagbabalak naman na magkasa ng demonstrasyon, hinihikayat ni Roque ang mga ito na magprotesta na lamang online dahil alinsunod sa guidelines sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) hanggang 10 lamang ang pinapayagan sa mass gatherings.