Palasyo, kumpiyansang dahil sa epektibong pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 kaya maraming Pilipino ang naniniwalang gaganda ang ekonomiya sa susunod na 12 buwan

Sinasalamin lamang ng pinakahuling resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na epektibo ang calibrated strategy ng pamahalaan na pag-shift sa Alert Level System upang mas lalo pang mabuksan ang ekonomiya ng bansa.

Sa survey, lumalabas na 51% o +44 ng adult Filipinos ang naniniwala na ang ekonomiya ng Pilipinas ay mag-i-improve sa susunod na 12 buwan.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, welcome development ito.


Mas marami na aniyang dahilan ang mga Pilipino upang maging kumpiyansa sa hinaharap, lalo’t nalagdaan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EO no. 166 na nag-a-adopt ng 10-point policy agenda na magpapabilis sa paglago ng ekonomiya mula sa pagkakadapa nito dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi pa ng kalihim na nangangahulugan din ito na mayroong konkretong plano ang pamahalaan na ma-sustain ang economic rebound nito.

Facebook Comments