Palasyo, kumpiyansang hindi magdudulot ng superspreader event ang pag-uumpisa ng panahon ng kampanya sa bansa

Naniniwala ang Palasyo ng Malakanyang na hindi magiging dahilan ang pagsisimula ng panahon ng kampanya upang muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, base sa pinakahuling projections, pababa na ang kaso partikular sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng Pebrero.

Pero binigyang diin nito na nakadepende pa rin sa compliance at hindi tuluyang pagpapakampante ng publiko lalo na’t andito pa rin ang banta COVID-19.


Kasabay nito, umaasa ang Palasyo na mahigpit na ipatutupad ng Commission on Elections katuwang ang Philippine National Police at mga lokal na pamahalaan ang inilatag nilang rules and regulations sa pangangampanya upang hindi ito maging superspreader events.

Facebook Comments