4 na presidentiables, nag-apply na sa COMELEC ng permit sa pangangampanya

Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) Director Elaiza David na mayroon ng apat na presidential bets ang nag-apply ng permit para sa pangangampanya.

Kabilang dito ang kampo nina presidential aspirants Bongbong Marcos, Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno, at Panfilo “Ping” Lacson.

Ang pag-apply kasi sa COMELEC ng permits to conduct campaigns ay nasa mandato ng poll body.


Nagpaalala naman si COMELEC Spokesman James Jimenez sa mga kandidato na ang vote-buying o pamimili ng boto ay election offense.

Pinayuhan din ni Jimenez ang publiko na gumawa ng document incident sakaling may makita silang vote buying at maghain ng kaukulang reklamo.

Facebook Comments