Siniguro ng Palasyo ng Malakanyang na dadagdagan pa ng pamahalaan ang pagsusumikap nito para matugunan ang patuloy na pagsirit ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ito ang reaksyon ni acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar kasunod ng inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa pagsipa ng inflation rate sa bansa nitong Abril.
Ayon kay Andanar, patuloy na nakatutok ang mga economic managers ng Duterte administration sa inflation na nuong nakaraang buwan ay umakyat pa sa 4.9%.
Sa tala ng PSA, 4.9% ang inflation sa buwan ng Abril kumpara sa 4% noong Marso.
Nakikitang dahilan dito ng PSA ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng kuryente, krudo, LPG, renta sa bahay at presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.