Tiniyak ng Malacañang na naghahanap ang pamahalaan ng pondo para sagutin nag COVID-19 test at quarantine facility ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naghahanap na ang Department of Budget and Management (DBM) ng mapagkukunan ng pondo.
Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay mangangailangan ng ₱9.8 billion additional fund.
Nabatid na iminungkahi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na paikliin ang quarantine period para sa mga OFW at agad silang i-test pagdating para mabawasan ang gastos ng pamahalaan.
Pero ang sagot niPangulong Rodrigo Duterte na hindi pwedeng ikompromiso ang quarantine protocols lalo na at nagsusulputan ang mga variants ng COVID-19.
Facebook Comments