Formal talks para sa concession deal sa Maynilad, sinimulan na

Umarangkada na ang negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng Maynilad Water Services Inc. para sa bagong concession agreement sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Una nang naselyuhan na ang bagong concession agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Manila Water.

Ayon kay Maynilad President and CEO Ramoncito Fernandez, nagsimula na ang formal communications para sa concession agreement.


Umaasa sila na magkakaroon ng patas at makatwirang resulta ng review.

Bagamat walang target na petsa, kumpiyansa ang Maynilad na matatapos ang negosasyon sa lalong madaling panahon para maipatupad agad ang mga plano na inilatag nila sa kanilang concession.

Nabatid na nakwestyon ang 1997 concession agreements ng dalawang water concessionaire matapos manalo sa hiwalay na multi-billion peso arbitration cases abroad na ikinagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments