Palasyo, magpapadala ng abiso sa US kaugnay ng hindi gagawing pagsipot ni Pangulong Duterte sa US ASEAN Summit.
Tiniyak ng Malacanang na magpapadala sila ng aabiso kay US President Donald Trump kasunod ng pagtanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa US ASEAN Summit sa Las Vegas na nakatakda sa Marso.
Ayon kay Chief legal Counsel at spokesman Salvador Panelo, bahala na si DFA Secretary Teodoro Locsin Jr na magsagawa ng pormal na komunikasyon sa hindi gagawing pagsipot ng Pangulo sa nasabing International event.
Sinabi ni Panelo na marapat lang na magkaruon ng pormal na abiso tungkol sa hindi gagawing pagpunta ng Presidente gayung pormal namang nagpadala ng imbitasyon ang lider ng Amerika.
Una ditoy nagpahayag ng agam-agam si Pangulong Duterte kaugnay ng ipinadalang imbitasyon ni Trump sa kanya hanggang sa nagpasiya nga itong hindi pupunta na kanyang ipinahayag ng makapanayam ng Russian TV.
Marami ani Panelo na dahilan sa pasiyang hindi pagpunta at isa na dito ang ginawang pagkansela ng US sa Visa ni SeNador Ronald “Bato” dela Rosa.