Palasyo: Mga umaabuso sa freedom of expression at nagpapakalat ng fake news, tiyak na mapaparusahan

Nagbabala ang Palasyo sa mga indibidwal na umaabuso sa kanilang ‘freedom of expression’.

Reaksyon ito ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque matapos mag viral ang video ng singer na si Mystica kung saan walang habas nitong binastos at pinagmumura si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang pagkadismaya sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kasunod nito nagbabala rin si Roque sa mga nagpapakalat ng mga maling impormasyon o fake news sa social media hinggil sa COVID-19.


Alinsunod sa Section 6(f) ng Republic Act 11469 o “Bayanihan to Heal as One Act”, mapaparusahan kapag napatunayan ang nagpapakalat ng fake news at maaari silang makulong ng dalawang buwan at multa na aabot sa ₱10,000 hanggang ₱1M o pareho, depende sa discretion ng korte.

Sa pinaka huling datos mula sa Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group, nasa higit 30 indibidwal na ang kanilang nasampolan dahil sa pagpapakalat ng fake news na nagdulot ng pangamba at takot sa publiko.

Facebook Comments