Palasyo, muling ipinagtanggol si Senador Dela Rosa

70

Naniniwala ang Palasyo na walang masama sa pagsuporta ni senador Ronald Dela Rosa kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa gitna ng mga pambabatikos kay Senador Dela Rosa mula sa netizens dahil sa anila’y nasa pangulo ang loyalty nito at wala sa taumbayan.


Paliwanag ni Secretary Panelo, bawat isa kasi ay mayroong kaniya-kaniyang sentimyento sa kanilang mga kasamahan o kaibigan.

Mayroon rin aniya prinsipyo ang bawat isa at marahil ay pareho sila ng prinsipyo ng Pangulo sa pinaguusapan kaya niya ito sinusuportahan.

Sakali naman aniyang lumihis ito sakaniyang prinsipyo, tiyak na kokontra rin dito ang senador.

Facebook Comments