Palasyo, muling nagpaliwanag hinggil sa laban-bawing desisyon ng IATF

Huminging muli ng dispensa ang Palasyo sa mga naapektuhan ng urong-sulong nilang desisyon sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque humihingi sila nang pang-unawa sa mga negosyanteng nag-abala mamili at naghanda dahil akala nila ay maaari na silang makapag-operate muli simula kahapon, pero ang desisyon ay binawi dahil nananatili pa rin sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR).

Sinabi ng kalihim, hindi madali ang debateng pinagdadaanan nila sa IATF kung saan inaabot ito ng ilang oras bago makapagpalabas ng desisyon.


Total health aniya ang pinaka-objective ng pamahalaan o pangangalaga sa kalusugan habang tinitiyak na walang magugutom dahil sa pandemya.

Pagtitiyak pa ni Roque, hindi rin magtatagal ay muling mabubuksan ang mga negosyo at sisiglang muli ang ekonomiya.

Sa ngayon, may pinaplantsa lamang sa mga panuntunan sa pagpapatupad ng General Community Quarantine with granular lockdown and alert level system sa NCR sa darating na Huwebes, September 16, 2021.

Facebook Comments