Umaapela ang Palasyo ng Malakanyang partikular na sa mga senior citizens na hanggang ngayon ay wala pa ring ni isang dose ng bakuna na magpaturok na ng anti-Covid-19 vaccine.
Ang panawagan ay ginawa ng Palasyo ngayong may nakikita na namang pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 at ang banta ng Omicron variant.
Ayon kay Acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, nasa 1.5 million mga nakatatanda pa kasi ang hindi pa bakunado.
Babala pa nito na kayang punuin ng nasabing bilang ng mga nakatatanda ang ating mga ospital sa sandaling sila ay tamaan ng COVID-19 lalo pa’t itinuturing ang mga ito bilang vulnerable sector.
Paulit ulit na panawagan ng Palasyo na magpabakuna na dahil napatunayan namang ligtas, epektibo at nagbibigay protekyon ang mga bakunang ginagamit sa bansa.