Palasyo nagdeklara ng non-working day sa Dasmariñas, Cavite

33

Idineklara ng Palasyo na Special non-working day ang Nov 26, Martes sa Dasmariñas, Cavite.

Sa proclamation no 842 deklaradong walang pasok sa Martes sa Dasmariñas, Cavite kasabay ng pagdiriwang ng kanilang founding anniversary.


Kasunod nito, binibigyan ng pamahalaan ng oportunidad ang mga Caviteño na ipagdiwang ang kanilang anniversary.

Alinsunod sa panuntunan ng Department of Labor and Employment (DOLE), makakatanggap ng 30% na dagdag sa daily wage ang sino mang papasok sa trabaho sa nasabing petsa at nabanggit na lugar.

Facebook Comments

From Advertisers