PANOORIN: 20 drayber, huminto para iligtas ang nakawalang aso sa highway

Stock photo

Nasa 20 drayber ang nagtulungan sa pagsagip sa isang asong nakawala at nagtatakbo sa highway sa Texas, US nitong Linggo, Nobyembre 10.

Nagsipagtigil sa pagmamaneho ang mga good Samaritan upang mahuli ang aso sa highway sa Houston, ayon sa ABC News.

Sa bidyo na kuha ng isa sa mga saksi sa insidente na si Toby Tinelli, makikitang bumagal ang takbo ng ilang sasakyan nang mamataan ang asong nagtatakbo kasabay ng trapiko.


Maya-maya pa’y sunud-sunod nang tumigil ang mga drayber para harangan ang daan at tumulong sa paghuli.

Matagumpay namang nahawakan ng isang lalaki ang tali ng aso matapos itong mapaligiran ng ilang tao.

Ayon sa mga nakasaksi, nakawala ang aso nang masangkot sa aksidente sa daan ang amo nito.

Dumudugo rin umano ang mga paa nito na pinaniniwalaang resulta ng pagtapak sa mga basag na salamin.

Gayunpaman, mabuti ang lagay ng aso at naibalik na sa amo nito.

Facebook Comments