Palasyo, naglatag ng 3 posibleng hakbang ni Pangulong Duterte hinggil sa kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu

Tatlong alternatibong hakbang ang sinusuri ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa naganap na twin bombing sa Jolo, Sulu kamakailan kung saan 17 katao ang nasawi kasama na ang dalawang suicide bombers.

Tugon ito ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque makaraang magsilabasan ang iba’t ibang suhestyon ng ilang personalidad sa kung ano ang gagawing hakbang ng pamahalaan sa nangyaring pag-atake sa Jolo.

Ayon kay Roque, hintayin na lamang natin kung ano ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Una nang inirekomenda nila Army Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana at Philippine National Police Chief Police Gen. Archie Gamboa na ideklara ang batas militar sa Sulu.

Pero ilang senador kabilang na si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nagsasabing hindi na kailangan pa ng batas militar sa Sulu dahil sa Anti-Terrorism Law.

Magkagayunman, lahat aniya ng recommendations mula sa ground ay ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments