Palasyo, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng namayapang si dating Sen. Ramon Revilla Sr.

Ipinapaabot ng Malacañang ang pakikiramay nito sa pamilya ni dating Senador Ramon Revilla Sr. na pumanaw kahapon sa edad na 93.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakikidalamhati sila sa buong angkan ng mga Revilla habang patuloy na bumubuhos ang pagkilala sa buhay at legasiya ng kilalang movie icon at public servant.

Inalala rin ni Roque ang mga mahabang dekadang karera ni Revilla bilang isang aktor at pulitiko.


Aniya, nakilala si Revilla Sr. bilang “Hari ng Agimat” at haligi ng pelikulang Pilipino bago ang pagpasok niya sa mundo ng pulitika.

Nabatid na kilala si Revilla Sr. bilang ama ng Public Works Act dahil sa pagiging may akda sa Republic Act 8150 o Public Works and Highways Infrastructure Program Act of 1995.

Nagsilbi si Revilla Sr. sa Senado mula 1992 hanggang 2004.

Facebook Comments