Bigong malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang proposed 2022 national budget.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, may prosesong kailangang daanan ang pambansang budget bago ito aprubahan ng pangulo.
Aniya, makapal ang budget book at isa-isa itong binubusisi ng Palasyo.
Sinabi pa ni Nograles na garantisado naman itong mapipirmahan bago mag Disyembre 31 upang hindi magkaroon ng reenacted budget.
Sa naunang pahayag ni Department of Budget and Management (DBM) acting Secretary Tina Rose Canda, may isang item lamang sa pambansang budget ang posibleng i-veto ng pangulo.
Facebook Comments