Palasyo, nagpaliwanag sa panibagong banat ni PRRD sa simbahang Katolika

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ng Malacañang ang panibagong pambabatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lider ng simbahang Katolika.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, “figure of speech” lamang ang naging utos ni Pangulong Duterte sa mga tambay na nakawan ang mga mayayamang obispo.

Paliwanag ng opisyal, karaniwang ginagawa ito ni Duterte para bigyang-diin at magkaroon ng drama ang kanyang ipinupuntong isyu.


Halimbawa ni Panelo ang kabiguan ng ilang obispong makisimpatiya sa mahihirap na masa dahil sa marangya nilang pamumuhay sa kanilang kumbento.

Kasabay nito, iginiit ni Secretary Panelo na nirerespeto ni Pangulong Duterte ang Kristiyanismo kung saan patunay rito ang paglagda sa batas na nagdedeklara sa National Bible Day bilang special working holiday at sa kanyang mensahe sa Traslacion ng Itim na Nazareno.

Facebook Comments