Scholarship program ng pamahalaan, hindi apektado ng re-enacted budget – CHED

130

Manila, Philippines – Tiniyak ng Commission on Higher Education o CHED na hindi makakaapekto ang re-enacted budget sa mga college students na nakikinabang sa scholarship programs ng pamahalaan.

Paglilinaw ni CHED Chairman Prospero De Vera III, ang free tuition at stipends ng 300,000 government scholars ay hindi apektado ng binagong national budget.

Magugunitang nagtakda ang CHED ng P16 billion tertiary education subsidy para sa taong 2018 habang P40 bilyon naman para sa taong kasalukuyan.

Facebook Comments