Palasyo naka-monitor sa imbestigasyon ng NTC at NPC hinggil sa budol text message

Nakabantay ang Palasyo ng Malakanyang sa isinasagawang imbestigasyon ng National Telecommunications Commission (NTC) at National Privacy Commission (NPC) kaugnay sa naglipanang spam messages.

Pahayag ito ni acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexi Nograles sa gitna na rin ng duda ng ilan na posibleng sa mga contact tracing forms o health declaration forms nagmula ang mga numerong pinadadalhan ng spam messages.

Ayon kay Nograles, nag-iimbestiga na ang NTC at NPC kaugnay dito, lalo’t palagi aniyang cause of concern sa oras na “privacy” na ang pinag-uusapan.


Matatandaang una nang sinabi ni NPC Commissioner Raymund Liboro na maging ang dark web ay kanila nang sinisiyasat, upang matukoy kung mayroong mga indibidwal o grupo ang nagbi-benta ng numero ng publiko.

Sa mga mapapatunayan aniyang hindi otorisadong gumagamit ng impormasyon o personal data ng iba, ay posibleng maharap sa anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakakulong ang mga ito, o multa na hindi bababa sa 500, 000 hanggang dalawang milyong piso.

Facebook Comments