Nakikiisa ang Palasyo sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng Araw ng Kagitingan.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, magsilbi nawang inspirasyon ang kabayanihan ng ating mga magigiting na sundalo na lumaban noong 1942 Battle of Bataan upang makamit ang ating tinatamasang kalayaan sa ngayon.
Aniya, ngayong patungo na tayo sa new normal, nagpupugay ang Palasyo sa sipag at tyaga ng ating tinaguriang modern day heroes tulad ng mga medical at health care professionals, farmers, government workers at officials, law enforcement personnel, firefighters, iba pang frontliners mula sa food service, transportation at iba pa dahil sa pagbibigay serbisyo publiko sa kabila nang banta ng COVID-19.
Sinabi ng kalihim na ang mga sakripisyo ng ating patriotic veterans at modern day heroes ay patuloy nawang mag-alab at magbuklod sa ating lahat upang tuluyang mapagtagumpayan ang laban kontra COVID-19.