Mga Pinoy sa Israel, pinaiiwas sa border ng Lebanon at Gaza

99

Pinaiiwas ng Philippine Embassy sa Israel ang mga Pilipino sa border ng Lebanon at sa border ng Gaza sa harap pa rin ng banta sa seguridad sa lugar.

Inalerto rin ng embahada ang mga Pinoy doon sa pagsakay sa mga pampublikong transportasyon at kapag may narinig na putok ng baril o kaguluhan ay agad na magtago sa ligtas na lugar.

Pinapayuhan din ng Philippine Embassy ang Filipino community doon na iwasang lumapit sa mga pwesto ng Israeli Forces.


Pinaiiwas din sila na magtungo sa West Bank at Jerusalem ngayong Lenten Season hanggang sa Mayo 1.

Bawal din kumuha ng video at larawan sa mga nagaganap na kaguluhan.

Facebook Comments