Palasyo, nakikiramay sa mga naulilang pamilya ng 8 indibidwal na lulan ng Agusta WW24 Aircraft na nag-crash kagabi sa NAIA

Taos pusong nakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa mga naulilang pamilya ng 8 kataong lulan ng Agusta WW24 Aircraft ng LionAir na bumagsak kagabi sa NAIA.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, lubos nilang ikinalulungkot ang nasabing insidente.

Sinabi ni Panelo na dapat magkaroon ng masusing imbestigasyon hinggil sa naturang plane crash.


Lahat aniya ng concerned government agencies ay dapat mayroong sinusunod na safety measures upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat ng private aircrafts maging ang kanilang mga pasahero at crew.

Sa ngayon, grounded muna ang lahat ng eroplano ng LionAir.

Facebook Comments