PANOORIN: Enrile, tinaboy ang COVID-19

58598
Courtesy of Kristen Ponce-Enrile's Facebook video

Muling nagparamdam ang tinaguriang “legend” at “imortal” na kasalukuyang tampulan ng memes sa social media.

Sa pagkakatong ito, pinatunayan ni dating Sen. Juan Ponce Enrile na he’s alive and kicking sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.


Sa Facebook video na inilabas ng apo niyang si Kristen nitong Sabado, makikita ang 96-anyos na itinataboy pa ang coronavirus disease.

Kasunod ng flying kiss para sa apo, game na sinabi ni Enrile na “COVID, go away!”

Nag-viral naman ang video na mayroon nang lagpas 150,000 views at 7,800 likes and reactions.

Noong nakaraang linggo, tiniyak na ng dating senador na mabuti ang kanyang lagay, taliwas sa mga kumakalat na balitang tinamaan siya virus.

“I am still alive and relatively well. But like all the rest, my family and I are hiding from an invisible enemy called covid 19,” saad niya sa Facebook post.


Facebook Comments