Palasyo, nanawagan sa publiko na huwag mag-panic buying

Kasabay nang muling pagsasailalim sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula mamayang hatinggabi.

Nanawagan ang Palasyo sa publiko na iwasang mag- panic buying.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, walang dahilan para mataranta, mag-panic buying o mag-hoarding.


Paliwanag nito, mayroon tayong sapat na supply ng pagkain at iba pang essential needs.

Katwiran pa ng opisyal, ang orihinal na plano sa NCR at kalapit na lugar ay manatili sa General Community Quarantine (GCQ) pero pinakinggan lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit na 2 linggong “time out” ng mga healthworkers kung kaya’t walang rason para mataranta.

Payo pa nito, hinay- hinay lamang sa pagbili upang hindi magresulta sa artificial shortage.

Facebook Comments