Kasunod nang pag-alala ng bansa sa Maguindanao o Ampatuan massacre, 12 taon na ang nakakaraan, sinabi ni acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexi Nograles na patuloy ang Duterte administration sa pagpupursige upang makamit nang husto ang hustisya.
Ayon kay Nograles, sa administrasyong Duterte nakamit ang katarungan dahil nahatulan ang ilang pangunahing may sala mula sa Ampatuan clan hinggil sa madugong krimen niong 2019.
Aniya, magpapatuloy ang administrasyon sa pagsusulong ng press freedom.
Matatandaang November 23, 2009 nang maganap ang Maguindanao massacre kung saan 58 ang nasawi kasama ang 32 mamamahayag na tinaguriang bloodiest political killings at world’s worst mass killings of media workers.
Facebook Comments