Nanghihinayang ang Malacañang sa na-postpone na presidential at vice presidential townhall debates ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, mahalaga ang mga debateng katulad nito upang maipabatid ng mga naghahangad na maluklok sa pwesto ang kanilang mga plataporma at kakayahan.
Magkagayunman, sinabi ni Andanar na mabuti na ring nagtakda ang komisyon ng panel interview sa mga kandidato.
Sa ganitong paraan ay makikilatis din ng mga botante ang intensyon ng mga kandidato at mailalahad ng mga ito sa publiko ang kanilang mga plano para sa bayan.
Facebook Comments