Isang senador, umaasang maisasalba pa ng Kongreso ang SIM Card Registration Bill

86

Umaasa si Senator Grace Poe na maisasalba pa sa lalong madaling panahon ng Kongreso ang mandatory SIM Card Registration Bill na ibinasura o ivineto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinag-uutos ng nasabing panukalang batas ang pagrehistro ng SIM cards at ang pagkuha ng tunay na pangalan at contact number ng gumagawa ng account sa social media gaya ng Facebook at Twitter.

Iginiit ni Poe na habang hindi pa naisasabatas ang SIM Card Registration Bill ay palaging nasa panganib ang publiko mula sa mga manloloko o scammers, sa cybercrimes at mga fake news.


Dahil dito ay tiniyak ni Poe na patuloy nilang paninindigan at isusulong ang pagsawata sa mga kriminal na aktibidad na naisasakatuparan gamit ang mga cellphone at iba pang mga electronic device.

Facebook Comments