Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na tatalima at tumatalima ang gobyerno sa mga panuntunan ng United Nations Human Rights Council bilang miyembro nito.
Ito ang sinabi ng Palasyo sa matapos lumabas sa balita na possible umanong tanggalin ang Pilipinas bilang miyembro ng UNHRC dahil sa mga human rights violations sa bansa sa harap naring ng nagpapatuloy na war against illegal drugs.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, magpupursige ang pamahalaan na sumunod sa anomang nakalatag na rules and regulations sa UNHRC kaugnay sa pangangalaga ng karapatang pantao sa bansa.
Tiniyak din ni Andanar na mananatiling committed ang administrasyon sa pagprotekta sa karapatang pantao ng bawat Pilipino.
Facebook Comments